I AM A CHARACTER IN MY OWN FICTION.

The pretty-crazy life of a late 20ish career-driven, quirky, Asian drama addict who thinks she's Holden Caulfield in real life.

Saturday, April 08, 2006

"Panggap" Day

Eto yung mga araw na tinatamad ang lahat ng tao sa opis na magtrabaho... madalas ito tuwing Sabado -- yung mga araw na hinihiling mo na sana ay natutulog ka pa at walang pwedeng umistorbo sa'yo, dahil araw ito ng pahinga.
Eto yung mga araw na imbes na itinutuloy mo ang mga naudlot mong "to-do's" sa nakalipas na linggo, ay nagdo-download ka ng kung anu-anong kanta sa limewire o nagche-check ng emails, o nakikipagdaldalan, o simpleng nakatunganga lang.
Eto yung mga araw na longer-than-usual ang conversations namin with Jean over the phone without feeling really guilty.O di kaya, hindi masyadong pansin kung pumasok man ng late ang mga tao.
Eto yung mga araw na justifiable magsuot ng kung anu-anong damit ang mga tao (rugged, girlash look, mukhang a-attend ng party, mukhang papasok sa mosh-pit, mukhang magmo-mall lang, you decide.) na hindi pupunahin ni Sir Madagascar... hehe.
Eto yung mga araw na hindi masyadong Toxic si Kay, habang nagpapatugtog lang ng music sa 'boom-the-base' nyang speaker. Minsan, generation gap. =)
Eto yung mga araw na okay lang magtitigan maghapon ang lovebirds sa aming maliit na kahon (kung sino sila, kilala nyo na).
Higit sa lahat, okay lang akong mag-blog hangga't gusto ko. (",)

1 comment:

kai said...

*zip* :D