I AM A CHARACTER IN MY OWN FICTION.

The pretty-crazy life of a late 20ish career-driven, quirky, Asian drama addict who thinks she's Holden Caulfield in real life.

Saturday, September 06, 2008

Rantsomeness: Kwento lang

Kahapon was somewhere between crazy and great. Crazy dahil biktima ako ng 'Murphy's Law' almost all afternoon. At great dahil natapos ang buong araw ng masaya pa rin ako. =)

For the first time this week, maaga akong pumasok - as in 7:30 am aga - maaga na yun sa office namin dahil usually dumarating yung mga tao nang lampas 8am. Sa pila pa lang ng FX papuntang Ayala, mukhang biniyayaan na ko ng grasya dahil walang pila... okay na sana, nakangiti na sana yung umaga ko nang biglang may tumabi sakin na guy na yuppie na mukhang mayabang pero disente naman...eh sa middle part ako ng FX nakaupo at josko, kahit super sikip na eh pagkakasyahin pa din nila ang apat... kesehoda hindi kayo pare-pareho ng volume (a.k.a taba). Sa sobrang sikip e halos makipagpalit na sakin ng mukha yung mama at mukhang wala siyang care kung mistulang naaalibadbaran na ako na masyado siyang feeling close. Take note, may bitbit pa akong tatlong bag (araw-araw yun kaya wala na akong pag-asang tumangkad!). So, dahil ayokong mag-inarte dahil part naman ng 'everyday FX adventures' ko yun, e hinayaan ko na lang. Buti pala... kase pareho kami ng building na pinagta-trabahuhan ni yuppie at may chance na makasalubong (at makasabay ko siya) araw-araw.. e di trouble kung inaway ko di ba?

So, pagdating ko sa office, salang agad sa work dahil may meeting kami with 'He-Who-Must-Be-Tamed ng 11:30. So buong umaga akong tuliro at nagpapanic dahil nafi-feel ko ngang makakatanggap na naman kami ng umaatikabong panenermon at pagpapagalit. Maririnig ko na naman yung mga classic na linya ng halimaw: "It's not rocket science!", "Cut the bullshit!", "That is unacceptable according to me", "Any Tom, Dick & Harry can do it! I can do it!" , "Bonehead" , "Morons" , "Idiot", "Bugger" at kung anu-ano pang sweet endearments na 'pag ikaw ang sinabihan e siguradong masusuntok mo siya (I nearly did.. hehe!).So, ayun na nga at hindi ako nagkamali. Wala pang sampung minuto kami nakababad sa hotseat e umulan na ng sabon, pangkula at palo-palo sa conference room. Buti na lang at hindi ko lahat nasalo. Actually, medyo nasanay na din siguro ako sa panenermon nya at labas-masok na lang sa tenga ko yung pinagsasasabi niya. So, deadma as usual. Sandali lang din halos yung meeting kase lunch na at damang-dama kong gutom na siya kaya ni-cut short niya yung meeting.

Maghapon yata akong wala sa sarili dahil sobrang unorganized yung thoughts ko... halo-halong kalamay... if you would try to peek inside my mind, pati ikaw mahihilo. Then after kumain ng uber late lunch, kailangan kong lumabas sandali for some errand. Ayon, medyo nakalma ang utak ko paglabas na paglabas ko ng office building... iba talaga ang hangin sa labas! (literal na hangin ang tinutukoy ko. why... go figure). Then, nagsimulang umatake si Murphy nung nagta-try ako magbook ng flight online. Sunod-sunod na kamalasan ang inabot ko sa internet. Una, ngayon ko lang napatunayan na may Cebu Pacific syndrome ang Philipine Airlines pagdating sa bilis ng pagpapalit ng ticket rates online. Halimbawa, kung ang rate ng isang roundtrip ticket ng isang international destination na nakuha mo ay medyo mura pa at this minute, try mong mag-refresh after a few minutes at malalaglag ang panga mo dahil the next thing you know, tumaas na agad yung rates niya...I mean, in a matter of minutes lang tataas na agad yung rates! What the?!? So ang ending e kung dalawa kayong nagbu-book for the same flight sa iisang computer, magkaiba na yung ticket rates nyo. In my case, nawindang ako dahil pagtapos ko magbook for myself at nung turn ng nung friend ko e nagdoble na yung price nung ticket for the same flight. Ang ending, hindi tuloy kami magkasabay aalis. Crap!!! Muntik pang ma-doble yung charging sa credit card nung kaibigan ko dahil biglang nawala yung internet connection habang kalagitnaan ng pagpa-process nung booking. Hindi ko pa alam ang customer service number ng PAL at nung nakatawag naman ako, ipinaglipat-lipat pa ako ng makakasagot sa inquiry ko. Grrr. Anyway, naayos naman sya bago matapos ang araw so happy ako.

Yung masayang part, nung dumating yung friend kong si Gelai after magpromise na dadalaw siya sa office (after ten years... hehe) at nakausap namin si Kaching na minsan na lang din magparamdam dahil happy siya ngayon... eherm... nagpaparinig ako (kidding!). At himala, inabot ng gabi si Wayne sa office na allergic sa OT. hehe. At dahil mistulang reunion, daldalang nag-umapaw ang mga sumunod na eksena, over Jollibee Spaghetti and Burger steak at Starbucks coffee. We also met David's new girlfriend. Natutuwa lang ako 'pag may bago akong kakilala.. ibig sabihin lumalaki ang mundo ko. =)

So, yun lang at nakalimutan ko na si mamang yuppie at yung umagang nakakabaliw.

Isa yata yun sa life's greatest mysteries. Ang tawag ko jan- equilibrium. 'Pag hindi maganda ang araw mo, sasaya naman ang gabi mo. Kung sobra-sobrang sama ng loob ang binibigay sayo ng trabaho, meron ka naman friends and family na makakapagpasaya sayo. Ganun lang yata talaga. So, kahit papa'no, I learned a lesson. 'Wag masyadong seryoso sa buhay.. you'll never know what can happen next.

Sorry, my mind won't shut up =)

No comments: