March 29, 2006
Miyerkules
Sa Opis.
Buhay nga naman. No matter how hard you try to work things out, they may not always come out the way you want them to. Ang daming tanong sa isip ko ngayon. Why am I here? Why am I doing this? Why am I putting up with this s**t? Alam ko sasabihin ng ibang tao, kung hindi ka na masaya, then move on. ‘Wag mong pilitin ang sarili mo na gawin ang mga bagay na hindi mo feel gawin.’ Sana nga ganun lang kasimple. Kase kung ganun lang, siguro wala akong problema ngayon; walang taong may problema ngayon. Walang spice ang buhay.
Bakit nga ba kinakailangan pang lagyan ng spice ang mga bagay-bagay. Sa lovelife, ‘pag laging magkasundo ang boyfriend at ang girlfriend, sasabihin boring ang relationship. Walang kabuhay-buhay. ‘Pag lagi naming nag-aaway, mauuwi sa hiwalayan. Sa trabaho, ‘pag walang ka-challenge-challenge ang pinapagawa sa’yo, sasabihin mo nagiging stagnant ka, walang growth. ‘Pag may challenge naman, hindi lilipas ang isang minuto sa isang araw na hindi ka magrereklamo sa sobrang dami ng gagawin mo.
Ang tao laging maraming tanong. Minsan, sa sobrang talino pati ang mga bagay na simple lang ang sagot, pinakukumplikado. Minsan tuloy ayaw kong maniwalang may taong kontento na sa buhay nila. Maari pa, madaming taong masaya sa buhay nila – yung mga hindi nagpapaapekto sa mga taong nagbu-bwisit. Yung mga tipong sa simpleng bagay lang, sumasaya na ang araw (ako yata yun). Pero ‘di ibig sabihin, kuntento na sa buhay nila. Marami pa din silang hinahanap; yun nga lang, hindi dito nakasalalay ang buong buhay at pagkatao nila. May longing na tinatawag at hangga’t kaya ay gagawa ng paraan para makuha ang mga bagay na ito. Pero kung hindi kaya, e di hindi. May darating pa. Ganun lang. Nandoon yung pag-asang may darating pa.
Kung bakit ko tinatanong ang mga bagay na ito ay dahil wala lang akong maisulat sa “Message from the Managing Director” na pinapagawa ng boss ko. #
Wednesday, March 29, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Cool blog, interesting information... Keep it UP »
Post a Comment