Siguro mga isang oras at kalahati kong pinag-isipan kung gusto kong mag-update ng blog. At voila, nanaig ang pagnanasa (pangit ng term, parang may sen(x)sual connotation) kong maglabas ng mga matagal ko nang saloobin simula nang masabon, mabanlawan at maikula ako ni boss.
Isang linggo na ang dumaan simula nang umiyak ako sa pangalawang (o pangatlo?) pagkakataon dito sa ECCI. Yung dalawa work related, yung isa bunga lang ng kagagahan (At least, I rock! hehe) Nakakahiya mang aminin pero oo, napaiyak ako ng boss ko. E pusang gala, ikaw ba naman ang sigaw-sigawan sa harap ng mga ka-trabaho mo, sisihin ka sa isang (actually madaming) bagay na hindi mo naman ginawa. Siguro25% ng mga sinabi nya e totoo -- wala (pang) nangyayari sa magazine na binubuo ko. E nasa early stages pa lang ako e. Kumbaga, baby pa, hinuhubog ko pa lang. Nasa stage ako ng paghahanap ng kung sinu-sinong Subject Matter Experts na pwedeng magsulat dun sa magazine. Teknikal kase, mahirap hanapan ng magsusulat. Kung lifestyle pa siguro ang tema, malamang nai-release na namin yung first issue. Pero hindi ko din masisisi yung boss ko, nadismaya lang siguro siya sa mala-pagong na pag-usad nung matagal niya nang pinapangarap. Ang sa 'kin lang, yung paraan nya ng pagpapagalit, hindi normal, (hindi po ako sanay ng nasisigawan) nakakapanginig ng taba. Hay nako...
Anyway, naka-recover naman na ko matapos ang ilang araw ng pag-iisip-isip. Kung magmumukmok ako at magtatanim ng sama ng loob, walang mangyayari -- tatamaring magtrabaho, papangit ang output ko, mapapagalitan (na naman), mapipikon ako, magagalit, iiyak, magre-resign, mawawalan ng trabaho, magiging isang malaking palamunin sa bahay, hindi makakabayad ng bills, madedemanda, magpi-feeling kawawa at ... syempre, ang layo na ng naabot ng imahinasyon ko.
So, mas pinili kong gawing hamon ang isang scary figure na katulad ni 'grandpa' a.k.a. my boss. Kung may dapat man akong katakutan, hindi siya yun -- pwede pa ipis na lumilipad tsaka dagang kasing-laki ng kuting. Parang sa teleserye, babangon ang bida at isasampal sa mukha nung antagonist nahindi siya basta-bastang pwedeng maliitin. Sana nga ganun, no?
***
Happy naman akong tao, mababaw lang ang kaligayahan - a week-long get-away to Boracay lang. Syempre, biro lang. Yung mga kababawan ko, mga simpleng kaligayahan sa buhay tulad ni Asian Quality (na tao), ni Anime (na tao ulit) at ng isang tall affogato style vanilla frap with a shot of espresso sa Starbucks, sila yung nagpapaganda ng araw ko; sila ang magdidikta ng gana kong kumilos at dumaldal sa isang buong maghapon.
Idagdag pa natin ang magulo at maingay na mundo ng Solutions. Sila ang mga taong kayang mag-cartwheel habang sumisinga, magkwento ng nakakatawa habang umiiyak at mang-impersonate ng mga taong walang kamalay-malay sa buhay. Mahal ko sila. Mahal din nila ako. Mahal namin ang isa't-isa. Masaya kami. At oo, mahilig kaming magpa-picture (say sex) Ayayay!
Yan lang muna, kakain muna ko ng walang kamatayang meal from Uncle George -- McDo.
1 comment:
Where did you find it? Interesting read united states bureau of patents Kenmoore dishwasher replacement parts ferrari picture http://www.personalized-stationery-7.info/Conferencecallscupofjoesponsorsponsor.html buscar pdas http://www.kitchen-equipment-1.info/Conferencecalls.html http://www.buy-fluoxetine.info/what-is-phone-conferencing.html pc video conferencing systems audio conferencing servicesbox 0 mitsubishi eclipse gs t 97 Meridia mg Used oneil 4t printer Conferencing software provider Live webcams i &aposm lucky
Post a Comment